Pagsasanay: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pananda sa mabisang
paglalahad ng pahayag. Isulat ang sagot sa kahon.
1. samantala
2.dahil dito
3.di tulad ng
4.at saka
5.higit sa lahat.
6.halimbawa nito
7.tunay na
8.pero
9.kaya
10.sapagkat
Answer:
1.Nagwawalis si Ana samantalang naghuhugas naman si Yna.
2.Hindi nakikinig si John tuwing nagtuturo ang kaniyang guro, dahil dito mababa ang nakuha niya sa pagsusulit.
3. Laging nag aaway ang magkapatid na sina precious at grace di tulad ng magkapatid na sina Lila at Ellaine na palaging nagtutunglungan.
4.Dapat tulungan ng gobyerno ang mga mahihirap upang makaahon sa hirap at saka magkaroon ng trabaho.
5.Maging Matulungin, mabait, magalang tayo sa ating kapwa, higit sa lahat maging mapagmahal.
6.Maraming magagandang katangian, halimbawa nito ay ang pagiging matulungin.
7. Tunay na kay buti ng Panginoon.
8. Maging Matulungin tayo sa kapwa natin pero dapat galing mismo sa puso natin ang pagtulong.
9.Nag aaral ng mabuti si Jana kaya matataas ang nakukuha niya sa pagsusulit at iba pang aktibidad sa kanilang PAARALAN.
10.Kumain tayo ng gulay at prutas sapagkat masusustansya ito.