Pamantayan Sa Pagbigkas Ng Tula

pamantayan sa pagbigkas ng tula

Answer:

Pamantayan sa Pagbigkas ng Tula

Ang tula ay binibigkas ng may ganap na paghahanda. Ang piyesa ay dapat memoryado o saulado. Ito ay dapat binibigkas ng maganda at may damdamin. Isa ito sa pinagbabasihan ng mga inampalan sa paraan ng pagbigkas ng tula ng kalahok.

Narito ang mga pamantayan sa pagbigkas ng tula.

Piyesa ng Tula – 10%

Ito ay tumutukoy sa layunin ng tula, kung ito ba ay nanghihikayat, nang-aaliw, nagbibigay impormasyon at iba pa. Kailangan na maunawaan mismo ng bibigkas ang layunin ng tula upang maipahatid niya ito ng maayos sa mga tagapakinig o manonood.

Pagkasaulo – 30%

Napakahalaga na saulo ng bibigkas ang piyesa. Ito ay para hindi magkahalo-halo ang mga detalye ng kaisipan ng tula.

Dating sa Madla – 10%

Masasabi na epektibo ang bumibigkas kung napupukaw niya ang madla. Malakas ang hikayat niya sa madla kung kung nagagawa niya itong patawanin, paiyakin o pasang-ayunin sa diwang isinasaad ng tula.

Bigkas at Tindig – 25%

Kailangang malinaw ang mga salita na binibitawan. Ang tindig ay dpat nauuna ang kanang paa at nakikitaan ng kumpiyansa.

Kumpas at Ekspresyon ng Mukha – 25%

Sa pagkumpas ay maganda na isinusunod natin ang ating mata. Ngunit tandaan na hindi basta basta sumusulpot ang pagkumpas. Ang kumpas ay binabagay sa diwa ng tula. Ang ekspresyon ng mukha ay kailangan din upang mas maipadama ang layunin ng tula.

Alamin kung paano nakakatulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula:

See also  Halimbawa Ng Pormal Na Sanaysay​

https://brainly.ph/question/423995

#BetterWithBrainly