Panuto: Basahin Ang Kwento Ni "Mikay Masipag" At Saguting Ang Mga Katanung…

Panuto: basahin ang kwento ni “Mikay Masipag” at saguting ang mga katanungan. Sulat kamay or naka-type written. ipasa dito ang inyong sagot.

Mikay Masipag

ni Maria Leilane E. Bernabe

Ako si Mikay. Ang tawag nila sa akin Mikay Masipag. Sa umaga pagkagising, agad kong inaayos ang aking higaan at mag-isa na akong maglilinis ng aking katawan.

Habang naghihintay ako na maluto ang aming almusal, tintulungan ko si Kuya sa pagdidilig ng mga halaman sa aming hardin. Kapag si Ate naman ay nakikita kong naglilinis sa loob ng aming bahay, tinutulungan ko siya sa pagpupunas ng mga mesa.

Si Tatay naman ay tinutulungan ko sa pagpapakain ng kaniyang mga alagang manok.

Pagkatapos naming kumain ng almusal, ako ang laging tagalinis ng mesa.

Matapos kong tulungan ang aking pamilya, lalabas na ako ng aming munting bahay upang makipaglaro sa aking mga kaibigan. Ang saya talaga kapag araw ng Sabado.

Isulat sa iyong sagutang papel ang sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

2. Paano siya inilarawan sa kuwento?

3. Ano-ano ang patunay ng katangiang ito?

4. Bakit para kay Mikay, masaya ang araw ng Sabado?

5. Ganito rin ba ang pakiramdam mo sa araw ng Sabado. Ipaliwanag ang sagot.

1. Maria Leilane E. Bernabe
2.sya ay masipag na kapatid at anak
3.masipag
4. Dahil yun ang araw ng pakikipag laro nya sa labas
5. Oo dahil nakakapag bonding kami ng aking pamilya

See also  2. One Of The Most Effective Ways To Communicate A Pictorial Or Verbal Idea...