Panuto: Ibigay Ang Sariling Kaisipan O Palagay Sa Sumusunod Na Salita. Gam…

Panuto: Ibigay ang sariling kaisipan o palagay sa sumusunod na salita. Gamitin ito sa pangungusap. Tingnan ang
halimbawa bilang gabay.
Halimbawa:
aklat — babasahing gabay ng mag-aaral na naglalaman ng maraming impormasyon upang mapaunlad ang kaalaman.
Pangungusap: Natuto nang husto si Angelika dahil bukod sa siya ay nakikinig sa kaniyang guro ay palabasa rin ng
aklat.
1. AGIMAT-
Pangugusap:
2. MISYON-
Pangungusap:
3. BAYANIHAN-
Pangungusap:
4. MISTERYO-
Pangungusap:
5. KAPANGYARIHAN
Pangungusap:​

Mga Sagot:

1. AGIMAT- Ang Agimat o Anting-anting ay isa ring Pilipinong sistema ng mahika at pangkukulam na may espesyal na paggamit ng anting-anting.

Pangungusap: mayroong agimat ang lalaking iyon, kaya lagi siyang ligtas.

2. MISYON- Ang misyon ay kilala bilang pagpapaandar, tungkulin, o layunin na dapat tuparin ng isang tao.

Pangungusap: ang kanilang misyon ay upang mangasiwa at masubaybayan ang mga tungkulin ng kanilang pangkat na pinagtatrabahuhan.

3. BAYANIHAN- Ang Bayanihan ay isang ugaling Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na ang literal na ibig sabihin ay “maging kasapi sa iisang pamayanan”, na tumutukoy sa diwa ng pakikipag-isa sa komunal, trabaho at pakikipagtulungan upang makamit ang isang partikular na layunin sa komunidad.

Pangungusap: ang bayanihan ang magsasagip upang umunlad ang ating bansa.

4. MISTERYO- Ang misteryo ay ang mga pangyayaring hindi maipaliwanag o mahiwaga.

Pangungusap: napaka misteryo ng bahay na iyon, hinding hindi na ako pupunta doon.

5. KAPANGYARIHAN- Ang kapangyarihan o lakas ay isang kakayahan ng entidad, katauhan, o nilalang upang matabanan o kontrolin ang kapaligirang nakapaligid sa kanya, kabilang ang ugali o asal ng iba pang mga entidad, katauhan, o nilalang.

Pangungusap: ang pangulo ay may kapangyarihang paalisin sa pwesto ang mga itinalaga niya.

See also  Talambuhay Ni Jose P. Rizal