Panuto: Pumili ng limang matalinghagang salitang nabasa/napakinggan sa ibinigay na halimbawa ng tanka at haiku. TANKA MATALINGHAGANG SALITA ANO LITERAL NA KAHULUGAN NITO? PAANO ITO GINAMIT SA LOOB NG AKDA? HAIKU MATALINGHAGANG SALITA ANO LITERAL NA KAHULUGAN NITO? PAANO ITO GINAMIT SA LOOB NG AKDA?
Answer:
mga desisyon sa buhay at iisa na ang tinitibok ng kanilang puso.
Kahalagahan: Nakikita ang halaga ng matalinhagang salitang ito bilang salita na ginagamit sa mga tula, sanaysay, o iba pang sulatin na tumutukoy sa damdamin.
Sinasabi rin nito ang tunay na anyo ng pagmamahal ay nakikita sa itinitibok ng puso at maaaring magkaroon ng maganda at maayos na koneskisyon sa isa’t isa.
Pag-iisang Dibdib
Kahulugan: Ito ay nangangahulugan ng kasal o wagas na pagsasama ng magkasintahan. Nagmula ang talinhaga na ito dahil sa sermonyang idinaraos upang pag-isahin ang dalawang taong nag-iibigan na tinatawag na kasal.
Ipinakakahulugan nito na ang dalawang nagmamahalan ay dapat iisa na lamang sa maraming bagay sa kanilang buhay.
Naniningalang Pugad
Kahulugan: Ito ay pantukoy sa isang taong nag-uumpisa nang magparamdam ng kanyang damdamin sa napupusuan niya. Sa madaling sabi, siya ay nanliligaw na o nanunuyo na para maging kaniyang nobya.
Nagmula ang katagang ito sa paghango sa gawain ng mga ibon. Ang pugad ng isang ibon ay karaniwang nasa taas ng puno na hinahanap naman ng ilang lalaking ibon upang lahian at doon makapangitlog.
Kahalagahan: Ang anumang salitang ginagamit para sa pagpapakita ng pagmamahal ay mahalaga, lalo na sa mga pagkakataong nag-uumpisa pa lamang ipakita ng isang tao ang kaniyang damdamin.
Mas mainam na gamitin ang mga ganitong uri ng salita upang isalarawan ang namumuo pa lamang na pagmamahalan at hindi magambala ang anumang sumisibol sa pagitan ng dalawang tao.
Haba ng buhok
Kahulugan: Ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay mayroong nararanasan na nagbibigay sa kaniya ng pakiramdam na siya ay maganda o espesyal.
Nag-ugat ito sa paniniwala ng mga Pilipino na ang mga dugong bughaw na kakababaihan ay maganda tulad ng mga prinsesa at reyna. Kaya naman kapaga sinabihan kang mahaba ang buhok ibig sabihin ay espesyal ka.
Kahalagahan: Ito ay mahalaga sapagkat sinasalamin ng idyomang ito ang isang makulay na kultura ng mga Pilipino kabilang ang pagkilala sa mga nasa kapangyarihan.
Ang isang tao na mayroong mahabang buhok ay isang espesyal na tao na pinagtitibay ng mga tala ng kasaysayan.
Namamangka sa dalawang ilog
Kahulugan: Tumutukoy ang talinhagang ito sa isang tao na mayroong ginagawang pagtataksil sa kaniyang minamahal o pinagsasabay niya ang dalawang karelasyon.
Nagmula ang idyomang ito sa isa pang talinhaga ng mga Pilipino na ang pagmamahal ay parang pamamangka sa ilog. Ngunit kapag nagtataksil ay namamangka rin ang isang tao sa dalawang ilog.
Kahalagahan: Ito ay may kahalagahan sa ating panitikan dahil ito ay ginagamit upang mahusgahan ang katapatan ng isang tao.
Madalas din itong magamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, sanaysay, dagli, nobela, at iba pa.
Lumagay sa tahimik
Kahulugan: Ito ay tumutukoy sa dalawang tao o magkasintahan na magpapakasal o mag-aasawa na.
Nagmula ang salitang ito sa paniniwala ng mga nakatatanda na kapag nag-asawa ang isang tao ay iiwan na nito ang mga hindi niya magandang gawain at mas magiging responasable na.
Kahalagahan: Madalas na ginagamit ang idyomang ito upang tukuyin ang pagpapakasal ng dalawang tao.
Ipinababatid rin nito ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa konsepto ng pagpapakasal na kayang baguhin ang takbo ng buhay ng isang tao.
Panakip-butas
Kahulugan: Ito ay tumutukoy sa isang tao na ipinagpalit lamang o ginawang kahalili ng isang tao o bagay.
Karaniwan kasing may naiiwang butas o espasyo sa atin kapag may nawala, kaya ang ilan ay gumagawa ng paraan upang kalimutan ang masakit na nangyari.
Kahalagahan: Ito ay nagagamit sa mga pagkakataong nararamdaman ng isang tao na mababa ang kaniyang halaga o ginagamit lamang siya ng isang tao.
Mababasa o maririnig ang mga salitang ito sa mga normal na usapan lalo na kapag pag-ibig o relasyon ang paksa.
Tungkol sa ina
Ilaw ng tahanan
Kahulugan: Isang pamosong matalinhagang salita ang ilaw ng tahanan sa kulturang Pilipino. Kapag sinabing ilaw ng tahanan, ito ay tumutukoy sa isang ina o nanay ng isang pamilya.
Sinasabing ilaw ng tahanan ang isang ina dahil ito ang gumagabay sa lahat ng miyembro ng pamilya. Ito ang nagsisilbing tanglaw upang matuto ng maraming bagay lalo na ang mga anak.
Kahalagahan: Mahalaga ang gamit ng talinhangang ito dahil bawat pamilya sa bansa ay mayroong ina. Hindi magkakaroon ng pamilya kung wala ang mga ina o kababaihang nagsisilang ng anak.
Mahalaga rin ito sa panitikan ng Pilipinas dahil lagi maging kabayaran ng isang bagong buhay ay ang buhay ng kaniyang ina.