Reflection Sa Ibong Adarna ​

reflection sa ibong adarna ​

IBONG ADARNA

         Isa sa mga natatanging epikong Pilipino ay ang Ibong Adarna na siya ring isang halimbawa ng korido. Ang pamagat nito ay hinango sa isang ibon na may pangalang Adarna na siyang pangalan ng ibon sa epikong ito. Ang Ibong Adarna ay may diwata na ang magandang boses ay nakakapagpagaling ng anumang sakit o karamdaman. Ang kanyang boses ay inaantok, at sinumang tinamaan ng kanyang kasiglahan ay nagiging bato, na nagpapahirap sa kanya na hulihin.

        Sa kwento ng Ibong Adarna marami itong naibigay na aral sa atin, sa tuwing binabasa natin ito lagi nating napapagtanto na “nakakarelate” ako dito. Nakakarelate? Bakit? Alam niyo kasi sa kwentong ito makakaramdam ka ng halo halong emosyon, may parteng masaya, may malungkot, may nakakatuwa, syempre di mawawala yung pag-kakilig natin. Dahil sa mga emosyong ito mas lalong lumalawak ang ating imahinasyon, minsan nga gumagawa pa tayo ng mga “fake scenarios” na maiihalintulad natin sa Ibong Adarna dahil gusto mong maramdaman na parang ikaw na mismo ang gumaganap sa kwento, mala kontrobida man o bida.

         Minsan natatanong ko sa sarili ko, bakit pa nating kailangang pag-aralan ang Ibong Adarna? Ngayon, napagtanto ko na mahalagang matutunan natin ang aral na ibinibigay ng Ibong Adarna lalo na sa mga kabataang katulad natin, dahil sa mga mahahalagang aral na nabibigay nito natuto tayo at nagagamit natin ito upang magbago ang ating pananaw sa buhay. Sabi nga nila, ang Ibong Adarna ay nakokonekta natin sa ating buhay dahil dito natin makikita ang reyalidad na hindi palaging masaya, may mga pagkakataon na parang “roller coster” ang buhay. Dahil minsan malungkot, minsan bibigyan tayo ng Diyos ng pagsubok na siyang magpapatatag sa atin at magbibigay ng lakas upang magpatuloy ulit sa buhay. Tulad nila Don Pedro at Don Diego, sila’y nabigong makuha ang Ibong Adarna ganon din sa buhay normal na mabigo tayo ngunit hindi ibig sabihin non na susuko o gagawa tayo ng bagay na kung saan ay magsisisi tayo bandang huli. Si Don Juan, siya ang isang modelong nagbigay ng aral na kahit nabigo ka na, kailangan mong maging pursigido pa rin silang masolusyonan ito sa tamang paraan.

See also  Mahal Magmahal Repleksyon Paki Answeran Po Tatlong Paragraph...

         Ngunit, lahat tayo ay may pagkakataong magbago at dapat nating maging mapagpatawad. Ang pinakamahalagang bagay ay ayusin namin ang anumang mga pagkakamaling nagawa dahil sa pagmamahal, kapwa para sa minamahal at para sa iyong pamilya, at natututo kami mula sa kanila.

Karagdagang Kaalaman:

  • https://brainly.ph/question/548388
  • https://brainly.ph/question/108322