Repleksyon Sa Mabubuo Ko Lamang Ang Aking Sarili Kung Itatalaga Ko Ang Aking Pag…

Repleksyon sa mabubuo ko lamang ang aking sarili kung itatalaga ko ang aking pagkasino sa paglilingkod sa aking kapwa upang maisabuhay ko ang mga katangian ng pagpapakatao

Bago magkaroon ng repleksyon sa mabubuo ko lamang ang aking sarili kung itatalaga ko ang aking pagkasino sa paglilingkod sa aking kapwa upang maisabuhay ko ang mga katangian ng pagpapakatao, dapat maintindihan muna kung ano ang Katangian ng Pagpapakatao o Nagpapakatao (Being Humane). Paano ka makakapag-reflect kung wala kang alam, hindi ba? Paano ka makakasagot kung hindi mo maintindihan ang tanong.

So ayun nga, dapat una sa lahat batid o alam mo na ang pagpapakatao o nagpapakatao ay ang pagiging inbidwal ng isang tao at kung paano siya nakikitungo sa mga kapwa niya nilalang sa mundo. Ito ay ang tinatawag nating personang gumaganap at umuusbong habang nililikha ng tao ang kanyang sarili – o sa salitang Ingles “self-development” – patungo sa kamalayan, pagpapalawak ng kanyang kaisipan, at maging sa pagpili sa kung alin ang tama at mali.

Kaya sa pagbabasa mo na ito, self-development na rin. Pero syempre kung sumuko ka agad at hindi mo na babasahin ang mga nasa ibaba, ironically, ‘di mo mage-gets ang homework mo at mukhang hindi ka nga makakapag-reflect nang maayos.

Heto, narito ang magandang halimbawa ng repleksyon tungkol sa paksa mo.

Dapat tandaan natin na ang paghulma ng isang tao sa kanyang sarili ay ang nagiging personalidad niya. Ang katangian ng pagpapakatao ay siyang kakayahang mag-reflect (see?!) o magnilay ng kanyang sarili. Dapat inaalam niya ang kanyang mga pinahahalagahan o values, ang kanyang mga birtud, at higit sa lahat ay ang mortalidad.

See also  Salitang Katunog Ng Ginawa​

Kaya kung wala kang pakialam sa mga kaganapang kaharasan, kaguluhan, at mga kawatan sa paligid at lipunan mo, tao ka pa ba?

Ang isa sa katangian ng pagpapakatao ay ang nakakayanan ng isang nilalang na mag-alay ng sarili sa mundo, lalo at sa pamamagitan ng kanyang mga kilos, mga adbokasiya, mga gawain at kasama pati ang kanyang mga pangarap.

Kaya kung nabubwisit ka sa mga nagra-rally lalo’t ito ay isang pagkilos dahil may ipinaglalaban na mga adbokasiya at mga pangarap, isipin mo muna kung bakit hindi mo kailangang mag-rally. Ganoon ba karami ang pribilehiyo mo na nabulag ka’t nabingi para pakiramdaman iyong mga hindi kasing suwerte mo? Kung hindi mo pakikinggan ang mga inaabuso’t nangangailangan ng hustisya, tao ka pa ba?

Kung marunong kang magpakatao, ibig sabihin may kakayahan kang magbigay kahulugan at makapag-isip upang makaunawa sa mga umiiral na kaganapan sa paligid mo.

Kaya kung mas pipiliin mong maging dedma sa lahat ng nagaganap na pang-aabuso, pagbabalewala sa mga dapat hindi binabalewala, at pagpapaunlad ng bansa para gawin itong mas makatao, tao ka pa ba? Paano kung ikaw naman ang dedmahin kapag ikaw naman ang binabalahura ng iba? Ayos lang ba sa iyo na wala ni isa ang magpapakatao para sa iyo?

Higit sa lahat, ang katangian ng tao na nagpapakatao o katangian ng pagpapakatao ay kakayahang magbigay ng awa at pag-ibig / pagmamahal.

So kung hindi mo kayang magbigay ng awa at pag-ibig, hindi mo mabubuo ang sarili dahil chicken ka, duwag, at mahina bilang hindi mo kayang italaga ang pagkasino mo sa paglilingkod sa iyong mga kapwa para maisabuhay ang mga katangian ng pagpapakatao. Kung ang ikinikilos mo bilang isang indibidwal na tao ay para sa mas ikagaganda at ikabubuti hindi lamang ng iyong konsiyensiya kundi pati ng lipunan, ito ay pagiging isang ganap na taong makatao. – ito ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob/

See also  Paglabag Ng Karapatang Pantao Sa Paaralan At Angkop Na Hakbang Upang Ito Ay Maitama​

(Tingnan ang link na ito bilang pagdagdag sa kaalaman: Ano ang mga katangian ng tao at ang mga katangian ng nagpapakatao? – brainly.ph/question/557031)

Mga link na may kaugnayan:


Anu – Ano ang mga katangian ng pagpapakatao? – https://brainly.ph/question/407115


E.S.P Anu ang katangian ng PAGPAPAKATAO? – https://brainly.ph/question/122611