Sa iyong palagay, ano ano ang mga halimbawa ng isang abstrak? At saan kaua ito nababasa o makikita?
Answer:
Ang Abstrak ay isang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksiyon.
Dalawang Uri ng Abstrak
DESKRIPTIBO – inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teksto.
Halimbawa: – Kuwalitatibong pananaliksik
– Ginagamit sa mga disiplinang agham panlipunan, mga sanaysay sa sikolohiya at humanidades.
IMPORMATIBO – ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto, nilalagom dito ang kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel.
Halimbawa: – Kuwantitatibong pananaliksik
– Karaniwang ginagamit sa larangan ng inhenyeriya, ulat sa sikolohiya, at agham.