Sa Paanong Paraan Malilinang Ang Reaction Time

Sa paanong paraan malilinang ang reaction time

Ang reaction time ay kung gaano kabilis magresponds ang isang tao sa isang stimuli. Bagamat maraming mga salik na hindi makokontrol na nakakaapekto sa reaction time, lalo na sa konteksto ng isports, maaari itong malinang sa pamamagitan ng: page-ehersisyo, pagsasanay, sapat na pahinga, at pokus.

Page-ehersisyo

Isa sa mga salik sa kung gaano kabilis o kabagal ang reaction time ng isang tao ay dahil sa tinatawag na arousal. Sa pamamagitan ng pageehersisyo pinapataas mo ang iyong degree of arousal na siya namang makakatulong sa pagpapabilis ng iyong reaction time. Ito ang naging konklusyon sa isang pag-aaral. Ito ay dahil kapag nag-eehersisyo ang tao sa pag-increase ng tension ng muscles pinapabilis rin nito ang pagtakbo ng ating utak na nagiging dahilan sa pagtaas ng arousal na siya namang nagpapabilis ng reaction time.

Pagsasanay

Mas bumibilis ang reaction time kung patuloy silang nagsasanay. Halimbawa sa isports na basketbol mas mabilis ang reaction time ng mga matagal at sanay na sa larang na ito. Bukod sa pagpapabilis ng reaction time nakakatulong rin ito para konsistent na mabilis ang iyong reaction time.

Sapat na pahinga

Kung kulang sa tulog at pagod, lubhang naapektuhan nito ang reaction time. Kinakailangan ng isang manlalaro ng sapat na pahinga para hindi bumagal ang kanyang reaction time. Sa samo’t saring pag-aaral natagpuan na ang mga manlalarong kulang sa tulog o inaantok ay malaki ang kinabagal ng kanilang reaction time. Hindi lamang pagtulog ng walong oras sa isang gabi ang tinutukoy sa sapat na pahinga, higit ding nakakatulong ang pag si-siyesta sa tanghali at hapon para malinang ang iyong reaction time.

See also  Mga Likos Na Lokomotor Grade 1 2nd Quarter .​

Pokus

Alisin ang mga bagay na nakaabala at nagnanakaw ng iyong atensyon.   Halimbawa, sa larong beysbol hindi dapat madistrak ang manlalaro ng mga nagsisigawang tigapanood bagamat sila ay dapat nakatutok lang sa laro.

Para sa dagdag na kaalaman patungkol sa reaction time: https://brainly.ph/question/5393386?referrer=searchResults

#SPJ2