sagawa
Sundin ang format. (Note: Gawin sa isang buong papel. Huwag kalimutang
lagyan ng pangalan,taon at seksyon at bilang ng modyul).
Panuto: Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na gawain at sagutin ito.
A. Ang Florante at Laura ay isang alegorya. Nakatago sa mga pangyayari ang mensahe at
simbolismong kakikitaan ng pagtuligsa sa kalagayang panlipunan sa panahong nasulat ito.
Lagyan ng FRANCISCO ang lahat ng kalagayang panlipunang naganap sa panahong ito at
MARIANO naman sa hindi.
___1. Mahigpit na ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa kalupitan ng
mga Espanyol.
___2. Ang karaniwang tema ng mga sulatin sa panahong iyon ay tungkol sa relihiyon at
paglalaban ng mga Kristiyano at Moro.
___3. Ang sinumang nais sumulat ay may kalayaang isulat ang anumang paksa o temang
magustuhan niya.
___4. Karamihan sa nalathalang aklat sa panahong ito ay mga diksyunaryo at aklat
panggramatika tungkol sa pamumuhay ng mga katutubo.
___5. Nakadama ng paghihimagsik ang mga Pilipino sa kalupitan at pagmamalabis ng mga
dayuhang sumakop sa bansa.
___6. Karamihan sa mga nagsisulat sa panahong ito ay gumamit ng wikang Ingles.
___7. Naging mahigpit, malupit, at hindi makatao ang ginawang pamamahala ng mga
Espanyol sa ating bansa.
B. Ano-ano ang naging layunin ni Balagtas sa pagsulat ng walang kamatayang Florante at
Laura? Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng lahat ng iyong sagot.
___1. Maihayag ang apat na himagsik na naghari sa puso ni Balagtas kaugnay sa
pamamahala ng mga Espanyol.
___2. Makabuo ng isang akdang maiaalay kay Selya o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng
minahal niya nang labis.
___3. Maging tanyag at mayaman sa pamamagitan ng pagbenta ng kanyang akdang Florante
at Laura.
___4. Maisalin ng kanyang akda sa iba‟t ibang wika at mabasa sa iba‟t ibang bansa.
___5. Mailahad ang labis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang katarungang
naranasan niya sa lipunang kanyang ginagalawan.
Answer:
thank you so much for the points i truly appreciated it