Sagutin Natin! Baszhin Ng Mabuti At Unawain Ang Bawat Panuno Ganan…

Sagutin Natin!
Baszhin ng mabuti at unawain ang bawat panuno
Ganan :
Basahin at pagnilayan mong mabuti ang tinuran ng ating dating pangulo sa ibaba at magbigay ng iyong
reaks yon batay dito.
WE SHOULD BECOME TRILINGUAL AS A COUNTRY, LEARN ENGLISH WELL AND CONNECT TO THE
.
WORLD. LEARN FILIPINO WELL AND CONNECT TO OUR COUNTRY. RETAIN YOUR DIALECT AND CONNECT TO
YOUR HERITAGE
Pangulong Benigno Aquino​

Explanation:

Matapos kong mabasa ang sinabing iyon ni Pangulong Benigno Aquino, ako ay sumang-ayon sa kanya. Sumasang-ayon ako, dahil ako mismo ay isang multilingguwal na Pilipino. Tatlong wika ang aking nalalaman at ginagamit sa araw-araw kong pakikipagtalastasan. Mayroon akong unang wika, ang Filipino, na aking kinagisnan at ginagamit sa aming tahanan. Ang pangalawang wika ko ay ang wikang Ingles na una kong natutunan sa mga palabas na pinapanood ko noon. Nahasa naman ang paggamit ko ng Ingles dahil sa mga turo ng aking paaralan. Mula noong ako’y bata pa hanggang elementarya, dalawang wika lang talaga ang aking nalalaman at ginagamit, pero nang tumagal, unti-unti kong natutunan ang dayalekto ng Dabaw, ang wikang Bisaya o Cebuano. Ang wikang ito ang aking pangatlong wika.

Para sa akin, importante na may kaalaman tayo sa wikang Ingles dahil isa ito sa mga wikang opisyal ng Pilipinas, kaya’t hindi natin maiiwasan na maharap sa ilang mga sitwasyon at transaksyon na ginagamitan ng wikang Ingles. Magagamit rin nating mga Pilipino ang ating kaalaman sa wikang Ingles sa pagsalubong at pakikipag-usap sa mga dayuhang bumibisita at naninirahan sa ating bansa. Mas mapapadali na rin ang pagtaguyod at pag-unlad ng ating bansa kapag tayo ay may magandang ugnayan sa iba pang mga bansa sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Ingles sa mga komunikasyon.

See also  Excuse Letter Tagalog

Ang pagkilala sa ating wikang pambansa, ang wikang Filipino, ay mahalaga rin. Sa paggamit ng ating sariling wika, mas naipapadama natin ang ating pagmamahal sa sariling bansa at mas naipagmamalaki natin ang ating wikang pambansa. Sa aming tahanan, Filipino ang wikang ginagamit namin kaya mas madalas akong gumagamit ng wikang Filipino sa pakikipag-usap. Mas komportable rin ako at mas nalalabas ko ang aking mga saloobin kapag Filipino ang ginagamit kong wika.

Ang Pilipinas ay may iisang wikang pambansa ngunit may napakaraming dayalekto. Nagmula ang iba’t ibang mga dayalekto sa mga kultura, paniniwala, at kasaysayan ng iba’t ibang mga lugar sa Pilipinas. Sa pag-aaral at paggamit ko ng aking dayalekto, mas napalapit ako sa lugar kong kinalakihan at mas napamahal ako sa aking lungsod, ang lungsod ng Dabaw.

Sagutin Natin! Baszhin Ng Mabuti At Unawain Ang Bawat Panuno Ganan…

[solved] subject: komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang. Report: indonesia is the most trilingual country in the world!. [solved] subject: komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang

trilingual – Liberal Dictionary

trilingual wowshack

Dll sa komunikasyon. Trilingual country indonesia most languages common people bilingualism percentage their report countries coconuts lives multiple many daily use. Celebrating the beauty of languages (primary section)

It's time to whip out that denim jacket and enjoy the refreshing days

Raising trilingual kid courses. Trilingual attempting. We should be trilingual as a country

Country Proverbs 7 (Trilingual) - YouTube

Country proverbs 7 (trilingual). How to raise a trilingual baby. Dll sa komunikasyon

Hsin tells us all about the challenges and perks of raising trilingual

trilingual

Raising trilingual kid courses. We should be trilingual as a country. How we raise our trilingual children

Ten Point Education Agenda of the Philippines

Img_1871 – attempting to become trilingual.. Ten point education agenda of the philippines. Trilingual – liberal dictionary