Sigaw Sa Pugad Ng Lawin Pangyayari ​

sigaw sa pugad ng lawin pangyayari

Answer:

Ang Sigaw ng Pugad Lawin (kilala din sa orihinal na tawag na Sigaw ng Balintawak) ay ipinahayag ng Katipunan at naging simula ng Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang makamit ang kasarinlan.[1]

Nang huling bahagi ng Agosto 1896, ang mga kasapi ng Katipunan (Katipunero) sa pamumuno ni Andres Bonifacio ay naghimagsik sa isang lugar na tinatawag na Kalookan, na mas malawak sa kasalukuyang nasasakupan ng Lungsod ng Kalookan na maaaring naisanib na ngayon sa kasalukyang Lungsod Quezon.[2]

Orihinal na tumutukoy ang katawagang “Sigaw” sa sagupaan sa pagitan ng mga Katipunero at ng mga Guwardiya Sibil. Maari din na tumukoy ang sigaw sa pagpunit ng sedula (cédulas personales) bilang pagsuway sa batas at kautusan ng Espanya. Ito ay literal na may kasamang makabayang sigaw.[3]

Dahil sa magkakaibang pahayag at kalabuan ng lugar kung saan nangyari ito, ang tumpak na petsa at lugar ng sigaw ay pinagtatalunan pa.[2][3] Mula 1908 hanggang 1963, ang opisyal na paninindigan ay nangyari ang sigaw noong Agosto 26 sa Balintawak. Noong 1963, ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas na nangyari ang sigaw noong Agosto 23 sa Pugad Lawin, Lungsod Quezon.[3]

See also  Ano Ang Pananamit Ng Mga Mangyan​