Simbolismo Ni Crisostomo Ibarra, Maria Clara, , Sisa,pilosopo Tasyo Eli…

Simbolismo ni crisostomo ibarra, maria clara, , sisa,pilosopo tasyo elias sa noli me tangere

Simbolismo ng ilang mga tauhan sa Noli Me Tangere

Crisostomo Ibarra – Halimbawa ng pananaw at nais ni Jose Rizal para sa mga Pilipinong kabataan noong kanyang panahon si Crisostomo Ibarra. Nakikita ng nakararami ang katangian ni Ibarra bilang repleksyon ni Rizal.

Maria Clara – Ang kadalisayan at kawalang-malay ng isang dalaga noong panahon ng kastila ay sinisimbolo ni Maria Clara.

Elias – Ang mga karaniwang Pilipino ay sinisimbolo ni Elias. Mga Pilipinong hindi lang alam ang kawalan ng katarungan na ginawa sa kanilang kababayan, bagkus nais rin nila itong ipaalam sa ibang tao.

Pilosopo Tasyo – Ang mga marurunong na Pilipino na dating tinanggap ang kulturang Kastila at di kalauna’y nagbago dahil sa malupit at malaking pagkakaiba na naranasan ng kanilang kababayan mula sa mga Kastila, ay sinisimbolo ni Tasyo.

Sisa – Nagsilbing larawan ng mga inang nagdusa dahil sa pagkawala ng anak si Sisa. Sumisimbolo sa pangaabuso ng mga Kastila sa mga Pilipinong ina  ang mga trahedyang sumira sa kanyang buhay.

Karagdagang kaalaman:

https://brainly.ph/question/427528

https://brainly.ph/question/1371526

https://brainly.ph/question/2080006

See also  Ano Ang Iyung Posisyon Tungkol Sa Mga Isyu Sa Paglabag Sa Paggalang Sa Buhay Ng...