Simbolismo Sa Kabanata 31 El Fili

simbolismo sa kabanata 31 el fili

El Filibusterismo:

Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani

Ang mga simbolismo sa kabanatang ito ay:

  • ang paglaya ng mga mag – aaral mula kay Macaraig hanggang kay Isagani
  • ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio
  • ang magkasalungat na pananaw ng mataas na kawani at ng kapitan – heneral ukol kay Basilio
  • ang tinuran ng mataas na kawani sa kutserong katutubo: “Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo”.
  • ang pagbibitiw ng mataas na kawani sa kanyang tungkulin

Pagpapalawig:

Ang paglaya ng mga mag – aaral mula kay Macaraig hanggang kay Isagani ay sumisimbolo sa pribilehiyo na ibinibigay sa mga mayayaman. Batid ng lahat na si Macaraig ang pinakamayaman sa lahat ng mga mag – aaral na nakulong samantalang sina Isagani at Basilio ay kapwa mahirap. Ito ang dahilan kumbakit nanatiling nakapiit si Basilio. Walang sinuman ang nagnais na siya ay piyansahan.

Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay sumisimbolo sa mga tao na patuloy na pumapanig sa katotohanan. Batid ng mataas na kawani na si Basilio ay inosente at hindi dapat manatili sa loob ng piitan kaya naman nagbigay siya ng babala sa kapitan na maaari itong managot kung hindi palalayain si Basilio.

Ang magkasalungat na pananaw ng mataas na kawani at ng kapitan – heneral ukol kay Basilio ay sumisimbolo sa magkasalungat na paniniwala ng mga taong nanunungkulan. May mga pagkakataon na ang mga lider ng bansa ay hindi nagkakaisa sa kanilang mga opinyon ukol sa usaping pambansa.

See also  Ano Ang Paksa Ng Mga Halimbawa Ng Tanka At Haiku Haiku#1 Haiku#2 Tanka#1 Tanka#1​

Ang winika ng mataas na kawani ay simbolo ng pagtangi ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Sa kabila ng kanilang pananakop, ang mga kastila ay nagpapahalaga rin sa mga Pilipino sapagkat tayo ay kapwa mga katoliko.

Ang pagbibitiw ng mataas na kawani sa kanyang tungkulin ay sumisimbolo sa kanyang paninindigan para sa katotohanan. Ito ay upang ipabatid sa kapitan – heneral na siya ay nagkamali sa kanyang naging pasya.

Keywords: simbolismo, kabanata 31 El Filibusterismo

Ang Mataas na Kawani: https://brainly.ph/question/2122990

#LetsStudy