Sino Sino Ang Mga Bayani Ng Pilipinas ​

sino sino ang mga bayani ng pilipinas ​

Answer:

Dr. Jose Rizal

Andres Bonifacio

Apolinario Mabini

Mga Bayani ng Pilipinas:

Andres Bonifacio

  • Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.

Jose Rizal

  • Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.

Apolinario Mabini

  • Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma

Emilio Aguinaldo

  • Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901)

Gabriela Silang

  • Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego Silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa himagsikan laban sa mga Kastila.

Juan Luna

  • Isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

Melchora Aquino

  • Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang “Tandang Sora” dahil sa kanyang edad. Siya ay kilala rin bilang “Ina ng Katipunan”, “Ina ng Himagsikan” at “Ina ng Balintawak” para sa kanyang mga kontribusyon.
See also  Gumawa Ng Isang Tula Na Nagpapahayag Na Mapalawig Pa Ang Iyo...

Sultan Dipatuan Kudarat

  • Ang ika-7 Sultan ng Maguindanao mula 1619 hanggang 1671. Sa panahon ng kanyang paghahari, matagumpay niyang nilabanan ang mga pagsalakay ng Espanyol at hinadlangan ang pagkalat ng Katolisismo ng Roma sa isla ng Mindanao.

sana makatulong 🙂