Sino Sino Ang Mga Bourgeoisie??

sino sino ang mga Bourgeoisie??

Binubuo ito ng mga Mangangalakal, Banker, Ship owner, Negosyante, at mga Namumuhunan.

1. Ang mga Mangangalakal

-ay isa sa mga pangunahing bumubuo sa bourgeoisie o gitnang uri sa Europe. Bumuo sila ng mga ekspedisyon upang humanap ng pamilihan at magkaroon ng mas malaking kita.

2. Ang mga Banker

-sila ang nagmamay-ari o namamahala ng bangko.


3. Ang mga Shipowner

-ang nagmamay-ari ng mga barkong ginagamit sa pangangalakal.  

4. Ang mga Negosyante

-ang mga tagagawa o tagabenta ng mga produktong maaaring gamitin o ikalakal ng mga mangangalakal.

5. Ang mga Namumuhunan

-sila ang namamahala sa kung magkano ang patong o tubo ng isang produktong kanilang ipagbibili.

Bourgeoisie

-ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya.

Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng mga aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigidig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapaing uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan.  

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga Bourgeoisie maaaring magpunta sa link na ito: Paano nagsimula ang bourgeoisie?

https://brainly.ph/question/1970475


Dahilan ng Paglakas ng mga Bourgeoisie

  • Dahil sa lakas ng kita.
  • May impluwensya sa pamahalaan sa pamamagitan ng paggawa at pagpapatupad ng mga patakaran.
  • Dahil na rin sa impluwenya pagdating sa kultura katulad ng mga nobelista at mga manunulat na sina Jean Jacques Rousseau, Voltaire, Dennis Diderot at marami pang iba.
  • Pinamumunuan din nila ang mga pagbabago sa mga bayan at mga lungsod sa Europe.
  • Napalakas ang mga kapangyarihan ng mga bansang mananakop
    .
  • Nagbigay ng daan sa pag-aagawan sa kolonya sa bagong daigdig.
  • Nabuo ang merkantilismo na nagbuo at nagpalakas ng nation-state ng Europe.

Impluwensiya ng Bourgeoisie

Nagkaroon lamang ng political na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang political, panrelihiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo
.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa impluwensya ng mga Bourgeoisie, maaaring magpunta sa link na ito:  Ano-ano ang mga pagbabagong ginawa ng bourgeoisie? https://brainly.ph/question/1952261

Yaman ng mga Bourgeoisie

Siglo 18- lumaki ang impluwensya sa publiko ng mga Bourgeoisie.

Ginamit nila ang kanilang propesyon at panulat upang makagawa ng reporma sa pamahalaan.

Limitasyon ng mga Bourgeoisie

Nanatiling agraryo o pagsasaka ang pamumuhay at napanatili ang kapangyarihan ng mga maharlika.

Sino ang maituturing nating Bourgeoisie sa kasalukuyan?

Guro

Inhinyero

Doktor

Abogado

At iba pa.

Ang mga Bourgeoisie ay isang magandang halimbawa ng mga sinaunang negosyante noong gitnang panahon sa Europe, sila ay magandang halimbawa dahil madami silang naging kita sa panahon ng kanilang ekspidisyon, na naging malaking kontribusyon sa pagunlad ng europa noon.

Naging malaki din ang kontribusyon nila sa pagpapalaganap ng mga propesyon na hanggang ngayon ay nagagamit natin,kaya ang mga Bourgeoisie ay isang magandang halimbawa ng mga mamamayan.  

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Epekto ng pag-usbong ng Bourgeoisie sa paglakas ng Europe: https://brainly.ph/question/1056108

See also  Ano Ang Mas Mahirap Na Propesyon Sa Kasalukuyan Ang Maging Pangulo Ng Bansa O Maging Dokt...