Sino Sino Ang Mga Diyosa At Ano Ang Kanilang Mga Katangian​

sino sino ang mga diyosa at ano ang kanilang mga katangian​

Answer:

Ang KATANGIAN NG MGA DIYOS AT DIYOSA ay pagiging bukod-tanging makapangyarihan (kahit sa isang larangan lang) at may kakayahang magparusa at magbigay gantimpala.  Hindi nangangahulugan na ang mga diyos at diyosa ay mga perpektong nilalang.

Narito kung ANO ANG KATANGIAN NG MGA DIYOS AT DIYOSA (Griyego – Romano):

1. Zeus o Jupiter ay ang tinatawag na hari ng mga diyos at pinaniniwalaan ng mga Griyego at Romano na diyos ng kalawakan at panahon. Bilang nagtataas-taasang diyos ay may mga pagkakamali rin siya gaya ng mga pakikiapid. Ang kilalang simbolo o sandata niya ay kidlat. Hari din siya ng mga batas at ng kalangitan.

2. Hera o Juno naman ang asawa ni Zeus at Jupiter na siyang tinaguriang reyna ng mga diyos at diyosa at siyang tagapangalaga ng kasal, pagsinta at ng mga mag-asawa. Isang korona at isang tungkod ang kanyang mga simbolo.

3. Apollo (Apollo rin sa Romano) ay diyos ng propesiya, araw at musika. Diyos rin siya ng liwanag at mga panulaan. Para sa ibang Griyego at Romano, diyos din siya ng mga plague o salot at maging ng paggaling. Anak nina Zeus o Jupiter at ni Leto o Latona. Kakambal siya ni Artemis o Diana. Ang mga simbolo niya ay korona at sangay ng laurel, pana, uwak at / o lyre. Sa mga Romano ay mas kilala siyang diyos ng medisina, pagpapana at ng mga propesiya na may mga simbolong ginintuang kudyapi, ahas, laurel at hyacinth na halaman.

See also  Nagdidildil Ng Asin Ano Ang Kahulugan Nito​

4. Poseidon o Neptune ay kapatid ni Zeus o Jupiter na diyos ng katubigan, karagatan at / o kalamidad gaya ng lindol. Sibat na may tatlong talim ang simbolo niya.

5. Hades o Pluto ay kapatid din ni Zeus o Jupiter at tinatawag na diyos ng impiyerno. Asawa siya ni Persepone sa mitolohiyang Griyego. Hari siya ng kailaliman ng lupa. Isang setro na ibon ang nasa tuktok ang kanyang simbolo o kaya naman ay mga sumbrero, itim na karawahe at itim na mga kabayo.

6. Ares  o Mars ay kilala bilang diyos ng pakikipagtunggali lalo sa gyera o digmaan. Ang mga simbolo ng Griyego para sa kanya ay mga kalasag at sibat habang ang sa mga Romano naman ay ang mga buwitre, lobo at duguang sibat.

7. Hermes o Mercury ang diyos ng mga mensahe o tinaguriang mensahero ng mga diyos at diyosa. Kilala rin siyang diyos ng paglalakbay, pangangalakal, at siyensiya. Pero siya rin ang sinasabing makapangyarihan pagdating sa mga pagnanakaw at panlilinlang. Siya ang diyos ng mga may mga patungkol sa pera, pagnanakaw at mga atletika na may mga simbolong bota na may pakpak.

8. Athena o Minerva naman ay ang tinatawag na diyosa ng katalinuhan at karunungan, digmaan at pati ng sining. Maaari din siyang diyos ng katusuhan. Crested helmet, kalasag, sibat at may telang nakabalabal o kaya mga kuwago, ahas at puno ng oliba ang mga simbolo niya.

9. Aphrodite o Venus ang diyosa ng pag-ibig ngunit mas tanyag sa pagiging diyosa ng kagandahan. Si Aphrodite ay anak nina Zeus o Jupiter at ni Dione. Ang mga Simbolo niya ay kalapati, mansanas, kabibi at salamin. Sa mitolohiyang Romano, siya ang sawa ni Vulcan at ang ina ni Cupid.

See also  Pagkakaiba At Pagkakatulad Ng Alamat Ng Durian At Ang Alamat Ng Pinya​

10. Artemis o Diana ay tanyag sa pagiging diyosa ng pangangaso at panganganak. Tinatawag ding diyosa ng buwan. Ang mga simbolo niya ay isang puno ng cypress at usa.

 

11. Hephaestus o Vulcan ay ang diyos ng apoy. Tanyag ang kanyang papel na pagiging bantay ng mga diyos at diyosa. Hindi lang siya kilala bilang diyos ng apoy kundi pati ng sining ng iskultura Anak siya nina Zeus at Hera  sa mitolohiyang Griyego at ang mga Simbolo niya ay martilyo.

12. Hestia o Vesta ay ang diyosa ng apoy. Kapatid siya ni Zeus o Jupiter. Belo, mabulaklak na sangay ng puno at initan ng tubig ang kalimitang mga simbolo nito.

13. Demeter o Saturn ang pangalan ng diyosa ng agrikultura at kasaganahan. Anak nina Kronos at Rhea sa mitolohiyang Griyego pero anak ni Uranus sa mitolohiyang Romano. Ang mga simbolo niya ay korona, tali ng trigo at sulo.

14. Persephone o Prosepina ay ang diyosa ng kamatayan at siyang reyna ng kailaliman ng lupa na siyang asawa ni Hades o Pluto. Bungkos ng palay at nagliliyab na sulo o kaya ay mga paniki, puting rosas at granada ang mga simbolo niya.

15. Kronos siya ang diyos ng oras at panahon na anak nina Ouranos at Gai. Siya ang ama nina Zeus, Hestia, Demeter, Hera, Haides, at Poseidon. Ang simbolo ni Kronos ay scythe.

Explanation: