Sumulat Ng Isang Tula Tungkol Sa Pag Ibig Na Binubuo Ng Tatlo O Apat N…

Sumulat ng isang tula tungkol sa pag ibig na binubuo ng tatlo o apat na saknong .Maaaring malayang taludturan .Maaari ring may sukat at tugma. YUNG TAMANG SAGOT PO SANA IREREPORT KO PO PAG POINTS LANG KAILANGAN KAYA SUMAGOT DITO.​

Answer: Chose nalang po,

1. Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!

Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.

Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,

tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.


Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;

pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.

Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo… naglalaho,

Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

2.Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,

Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.

Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,

At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

3.Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,

Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.

Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod

Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog

4.Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,

Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,

Ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan

Iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

5.Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib

Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.

Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,

Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,

Umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa.

Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha

At ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

6.Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag,

Ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak.

Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,

O wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”

Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.

Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay

Minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

7.Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,

kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid.

Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,

At ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

8.Talaan ng aking mga dinaramdam,

Kasangguning lihim ng nais tandaan,

Bawat dahon niya ay kinalalagyan

Ng isang gunitang pagkamahal-mahal.

Kaluping maliit sa tapat ng puso

Ang bawat talata’y puno ng pagsuyo,

Ang takip ay bughaw, dito nakatago

Ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.

9.Nang buwan ng Mayo kami nagkilala

At tila Mayo rin nang magkalayo na;

Sa kaluping ito nababasa-basa

Ang lahat ng aking mga alaala.

Nakatala rito ang buwan at araw

Ng aking ligaya at kapighatia.

Isang dapithapo’y nagugunam-gunam

Sa mga mata ko ang luha’y umapaw.

Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot

Binabasa-basa ang nagdaang lugod;

Ang alaala ko’y dito nagagamot,

Sa munting kaluping puno ng himutok.

10.Matandang kalupi ng aking sinapit

Dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis;

Kung binubuksan ka’y parang lumalapit

Ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.

Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na

Ang lumang pagsuyo’y naaalaala,

O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa

Masayang malungkot na hinahagkan ka.

May ilang bulaklak at dahong natuyo

Na sa iyo’y lihim na nangakatago,

Tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo

Tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.

11.Ang puso ng tao ay isang batingaw,

Sa palo ng hirap, umaalingawngaw

Hihip lang ng hapis pinakadaramdam,

Ngunit pag lagi nang nasanay, kung minsan,

Nakapagsasaya kahit isang bangkay.

Ang puso ng tao’y parang isang relos,

Atrasadong oras itong tinutumbok,

Oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot,

At luha ang tiktak na sasagot-sagot,

Ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok

Kahit libinga’y may oras ng lugod.

Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib

Sa labi ng sala’y may alak ng tamis,

Kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis

Nalalagok mo rin kahit anung pait,

At parang martilyo iyang bawat pintig

Sa tapat ng ating dibdib na may sakit.

Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman

Na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw,

Dahil sa pag-ibig ay parang batingaw,

Dahil sa panata ay parang orasan,

At mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal

Sa loob ng dibdib ay doon nalagay.

12.Huwag kang iibig nang dahil sa pilak

Pilak ay may pakpak

Dagling lumilipad

Pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.

Huwag kang iibig nang dahil sa ganda

Ganda’y nagbabawa

Kapag tumanda na

Ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.

Huwag kang iibig sa dangal ng irog

Kung ano ang tayog

Siya ring kalabog

Walang taong hindi sa hukay nahulog.

Huwag kang iibig dahilan sa nasang

Maging masagana

Sa aliw at tuwa

Pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya.

Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo

At mahal sa iyo

Kahit siya’y ano,

Pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.

Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga

Ikaw na suminta

Ang siyang magbata;

Kung maging mapalad, higit ka sa iba.

Sa itong pag-ibig ay lako ng puso

Di upang magtubo

Kaya sumusuyo

Pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.

#CARRY ON LEARNING

Follow nalang po at pa thank you sa profile

Explanation: Learn more about here https://pinoycollection.com/tula-tungkol-sa-pag-ibig/

See also  Pumili Ng Isa Sa Mga Larawan Sa Ibaba Na Nagpapakita Ng Suliraning Panlipunan Na K...