Sundin Ang Proseso Ng Mga Pangyayaring Bubuo Sa Banghay Na May Sanhi At Bun…

Sundin ang proseso ng mga pangyayaring bubuo sa banghay na

may sanhi at bunga ng akdang “KWENTO

AKING BUHAY.

Kwento:

Bawat nilalang ay may kani-kaniyang kwento ng sarili nating buhay.

May nakakaranas ng kabiguan,kaligayahan,pighati,at tagumpay. Iba’t-ibang sangkap kumbaga ang nararanasan sa tinamong buhay. Para sa akin,ganito ang kwento ng aking buhay;

Ako ay Ronald Rey Bagalanon Palgan. Ipinanganak noong Pebrero 22,1990 sa Dupol,Bonifacio,misamis occidental. Ang aking ama ay si Rogelio at ang aking ina ay si Pacita. Apat kaming magkakapatid,dalawa ang lalakiat dalawa naman ang babae. Sa kasawiang palad namatay ang panganay naming lalaki kaya ngayon tatlo na lamang kami at ako nalang ang nag-iisang lalaki.

Salat man sa yaman,kami ay naninirahan na mapayapa at masaya. Kung minsan di maiwasan ang pag-aaway lalung-lalo na sa aming magkakapatid pero di naming pinagbukas pa para maayos ang anumang di pagkakaunawaan. Sa aming munting tahanan sa Sicade,kumalarang Zamboanga del sur minulat kami n gaming butihing ina na magagamit namin sa aming hinaharap ng mabuting pag-uugali,takot sa diyos at disiplina.

Taong 1990-1994,kami ay naninirahan sa Dupol,Bonifacio, Misamis Occidental. Okey na sana ang pamumuhay ng aking mga magulang dahil sa kani-kaniyang negosyo, pero naglaho lang na parang bula ang lahat nang magkasakit an gaming panganay na lalaki. Pabalik-balik ng hospital ang aking mga magulang,kung kaya wala ng nag-aasikaso sa aming negosyoat kinakailangan na naming lumipat ng tirahan. Hindi ko naintindihan noon kung bakit pero pagkalaon ay unti-unti ko ring naintindihan. Sa Sicade Elementary School ko natapos ang aking elemenatary at sa kumalarang national high school naman an gang aking sekondarya. Maraming pagsubok ang aking nadaraanan ng ako’y nag-aaral ng sekondarya,kinakailangan kung kumayod at tulungan ang aking ama para may mabaon at amy makain an gaming pamilya. Lahat ng trabahong pambukid ay alam ko pero di ko ito ikinahihiya sa halip ito ay p inagmamalaki ko sapagkat ito ang nag-udyok sa akin para magtapos at makakuha ng kurso para makapagtrabaho nagng maayos at makatulong para maihaon ang pamilya sa kahirapan. Taong 2001,namatay ang pinakamamahal kung kapatid, namatay ang panganay naming lalaki. Iyon ang pinakamasakit na parte ng aking buhay sa pagkat isa siya sa mga naging inspiration ko para lumaban at di susuko sa mga pagsubok.

See also  Halimbawa Ng Isang Batas ​

At kahit nagkaganoon pa man,tuloy parin ang buhay. Heto ako ngayon nag-aaral sa MSU-IIT, Iligan City. Kumuha ng kursong Industrial Automation Maintenance Technology. Nangangarap na sna matapos sa pag-aaral at malabanan ang anumang mga pagsubok na dumating. Alam kung makakaya ko ang lahat sapagkat nandiyan ang pamilya ko na handang tumulong sa akin at sa ating poong maykapal na walang sawang sumubaybay.

SANHI:

Nawala ang negosyo

BUNGA:

Dahil nag ka sakit ang aking panganay na kapatid.

#PA BRAINLIEST po