Tagalog Closing Prayer

tagalog closing prayer

Closing Prayer

Ang closing prayer ay panalangin sa binabanggit sa pangwakas na bahagi ng pagtitipon o pagpupulong upang humingi ng patnubay, pagpapala, at proteksyon sa Diyos.

Mahal na Panginoon,

Sa pagtatapos ng aming klase, nais naming ipahayag ang aming taos pusong pasasalamat sa oras na pinagsamahan namin. Salamat sa kaalaman at pang-unawa na aming nakuha sa mga leksyon na itinuro ng aming guro. Maraming salamat din po at kami lahat ay ligtas.

Hinihiling din po namin Panginoon, ang iyong patnubay sa pagpapatuloy ng aming pag-aaral. Tulungan niyo po kaming panatilihin ang aming mga natutunan mula sa klase at magamit ito sa makabuluhang paraan. Nais din po naming magpasalamat sa aming mga kaklase at guro na sa amin ay sumusuporta at nagbibigay inspirasyon.

Sa aming pong pag-alis sa klase na ito, hinihiling namin ang iyong mga gabay at pagpapala sa bawat isa sa amin.

Amen.

Bisitahin ang link na ito para sa iba pang impormasyon tungkol sa panalangin:

  • https://brainly.ph/question/2851236

#SPJ1

See also  What Is Pros And Cons