TAGPUAN SA IBONG ADARNA
Mga tagpuan sa kwento ng Ibong Adarna
Kahariang Berbanya- ito ang kaharian ni Don Fernando.
Bundok ng Tabor/ Armenia- dito makikita ang puno ng Piedras Platas kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna.
Bundok- malapit sa bundok na ito matatagpuan ang isang maliit na bahay ng ermitanyo na nagbigay kay Don Juan ng kaalaman kung papaano mahuhuli ang Ibong Adarna.
Balon- sa ibaba nito dito nakita ni Don Juan ang isang napakagandang ginintuang palasyo.
Ika-pitong bundok- dito naglakbay si Don Juan upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 500.
Kaharian ng Delos Cristal- kaharian ni Haring Salermo.
Mga tauhan sa kwento ng Ibong Adarna
Ibong Adarna- isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito.
Don Fernando- hari sa kaharian ng Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.
Donya Valeriana- asawa ng hari na si Don Fernando at ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Don Pedro- panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.
Don Diego- ikalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.
Don Juan- bunsong anak nina Don Fernando at Donya Veleriana na may mabuting kalooban.
Ermitanyo- siya ang nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa hari ay ang pitong awit ng Ibong Adarna.
Matandang Ketongin/Ermitanyo- tumulong kay Don Juan kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna at nagbibigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna.
Matanda- ang tumulong at naghilot kay Don Juan ng binugbog sya ng kanyang dalawang kapatid.
Prinsesa Juana- magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon na kalaunan ay ikinasal kay Don Diego.
Prinsesa Leonora- magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon at umibig ito sa kanya.
Serpente- ang ahas na may pitong ulo na nagbabantay kina prinsesa Juana at prinsesa Leonora sa ibaba ng balon.
Higante- kasama ng serpente na nagbabantay sa dalawang prinsesa sa ilalim ng balon.
Lobo- ang alaga ni prinsesa Leonora na inutusan niya upang tulungan si Juan ng mahulog ito sa ilalim ng balon.
Donya Maria/ Maria Blanca- anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ay napangasawa ni Don Juan.
Ermitanyo na may edad na 500- ang ermetanyong nagpapunta kay Don Juan sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800.
Haring Salermo- hari ng kaharian ng Delos Cristal. Ama ni Donya Maria ang nagbigay ng mga mahigpit na pagsubok kay Don Juan.
Negrito at Negrita- ang inilabas ni Donya Maria at ginamit upang bumalik ang ala-ala ni Juan.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol kay Don Juan, maaaring magpunta sa link na ito: Paano ipinakita ni don juan ang kabutihan ng kanyang puso:https://brainly.ph/question/1312013
Mga Mahahalagang Pangyayari sa kwento ng Ibong Adarna
- Nagkaroon ng isang masamang panaginip ang hari at sya ay nagkasakit.
- Isang ermitanyo ang dumating at nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa kanya ay ang pitong awit ng Ibong Adarna.
- Dahil sa magandang kalooban ni Don Juan, sya ay tinulungan ng matandang ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna.
- Nailigtas ni Don Juan ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s utos ng ermitanyo.
- Sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay sa kabila ng pagliligtas nito sa dalawa nyang kapatid.
- Dagli-dagling umuwi si Don Juan at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng balahibo ang ibon at bigla itong umawit kaya gumaling ang hari.
- Nakita ni Don Juan ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora.
- Pinutol ni Pedro ang lubid at nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya’y labis na nasaktan.
- Nagising si Don Juan at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria Blanca.
- Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay sa kanya.
- Dahil napagtagumpayan ni Don Juan ang mga pagsubok, napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa.
- Nalaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya’y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria.
- Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Bakit itinuring na angkop na angkop ang mga nilalaman ng ibong adarna sa kalinangan at kulturang pilipino bagama’t sinasabi ng marami na isang halaw o huwad na panitikan lamang ito?: https://brainly.ph/question/2093901
#LearnWithBrainly