Talumpati Tungkol Sa Cyberbullying?

talumpati tungkol sa

cyberbullying?

Halimbawa ng talumpati tungkol sa cyberbullying:

Ako’y nabibilang sa grupo ng mga kabataan. Sabi nila kami ay mapupusok, malilikot ang isip at nakakapagbahagi ng aming iba’t ibang saloobin. At sa panahong ito may isang lugar na kaming kabataan ang nakikinabang ng husto.

Alam kong Tayong lahat ay may akses sa rito. Isa isahin ko man kayo loob ng silid na ito ay mapapatunayan kong alam nyo kung ano ang tinutukoy ko. Ito ay ang Internet. Napakalawak ang nasasaklaw nito kaya naman ay tayong mga kabataan aliw na aliw rito. 

Pero may mainit na usapan ngayon tungkol sa isang batas na nagdadawit sa internet at nagtuturing sa ating ngayon bilang isang munting kriminal .

Bakit ko nga ba nasabi ito? Nagkalat sa social media site nung nakaraang linggo ang mga larawan na tumutukoy sa isang batas. Ano nga ba ang batas na ito ang iba ay tutol dito. Isang dating na panukalang batas ay isinulong ng dalawang Ginoo at sa kanilang pagsisikap ito’y naisakatuparan at naging batas. Ika-12-ng Setyembre dalawang libo at labing dalawa , ang araw ng pagpirma ni Pangulong Noynoy Aquino sa republic Act No. 10175 at mas kilala ito sa tawag na Anti-Cyber Crime Law. Nabuhay ang ating dugo dahil sa paksang ito. Tayong mga netizens ay naging ubod ng aktibo at nagbigay ng iba’t –iba reaksyon, mapapositibo man o negatibo. Ano nga ba ang nilalaman nito at ang iba sa atin ay intersidado at galit na galit sa batas na ito? 

At saan nga ba ito nag-umpisa? Sa aking mga nabasa nagumpisa ang lahat ng ito sa walang paroroonan ng mga naakusahang kriminal sa maling paggamit ng Internet sapagkat walang batas na maaring magpakulong sa kanila. Isa pa ay ang tinatawag na Cyber Bullying! Siguro naman alam natin ito sapagkat sa panahong ito tayo ay nang”bully” din ng isang tao! Ako inaamin ko ay nagawa ko na rin iyan minsan. At sa loob ng batas na ito ay nakapaloob ang mga krimen na tulad ng mga: Panghihimasok sa Pribadong Buhay ng isang tao, maling paggamit ng “computer”, paninirang puri, pangha”hack”, “cyber sex”, cyber bullying, “child pornography, cyber libel at marami pang iba. Sa batas ring ito maaring makulong ang sino mang masangkot sa mga krimen at may ibat-iba sintensya at multa . Marahas ang batas na ito. Kinakamuhian ng ilan miski ang walang ideya sa laman ng batas na ito ay galit na galit rin dito. Ako’y Labing Anim taong gulang pa lamang ngunit sa aking pananaw na tulad din sa iba sainyo ay napapaliit nitong batas na ito ang mundo ng internet. Maaring mabawasan ang tinatawag na “Freedom of Expression” na alam naman nating na mas napapakita nating mga kabataan sa internet. 

Pero alam ko pa din na may magandang bagay itong dulot na maaring makatulong sa pagprotekta sa ating mga mamamayan at para din din a tayo magantso o mapagdiskitahan sa internet. Tayo man ay may magkakaibang saloobin ito ay isang batas pa rin na dapat nating isaalang-alang sa mga bibitawang nating salita at gagawin sa mundo ng internet. 

Isa isip nalang muna natin na ito’y isang batas na ipinatutupad dahil may maitutulong ito sa atin bilang isang indibidual at hindi lamang para pagbawalan tayo sa pag gamit sa internet sa paraang gustong gusto natin. Isang solusyon para tayo’y hindi makunsumi batas na ito ay ang maging tapat at isaisip natin ang linyang “Mag-isip muna bago pumindot”. Tayo’y maging responsible sa bawat sasabihin at gagawin sa internet sapagkat hindi lamang ikaw ang maaring makakita nito at posibleng madaming bumatikos sa iyo!

See also  Halimbawa Ng Abstrak​