Talumpati tungkol sa droga
Talumpati tungkol sa bawal na gamot
Nasan na….. Ang Kabataan?
Una sa lahat,akoy bumabati ng magandang araw, lalo na sa mga kabataan sapagkat ang tema ng aking talumpati ay tungkol sa kabataan. Kabataan na sinasabing “Pag-asa ng Bayan”.Kabataan na nagsusulong sa ating bayan tungo sa kaunlaran, katahimikan, o kapayapaan.Ngunit nasaan na ang kabataan?
Ang ating kabataan ngayon ay ibang-iba na kung ikukumpara noon. Lubhang mapupusok na sila sa mga gawaing illegal at mabibilang na lang sa mga kabataan ang gumagawa ng mabuti.Dahilan sa ngayon ang kabataan ay lulong na sa maraming bisyo gaya ng alak, sigarilyo,sugal at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.Ang masaklap pa nito, hindi lang kalalakihan maging kababaihan ay lulong na rin sa ganitong bisyo. Kaya iilan na lamang ngayon ang matitino.Iilan na lang ang sumusunod sa mga patakaran.Kaya pano pa natin masasabi na ang kabataan ay pag-asa ng bayan? kung sarili nila ay hindi nila kayang pahalagahan at nasisira ang kanilang pagkatao nang dahil sa bisyo. Pano natin makakamtan ang katahimikan o kapayapaan kung ang ating kabataan ay walang pagkakaisa? dahil ang hanap nila ngayon ay puro gulo, away at basag ulo. kaya nasan na ang kabataan?
Kabataan, “Tayo ang Pag-asa ng ating Bayan.” Tayo ang dapat magmulat sa mga mga susunod sa ating mga yapak.Ipakita natin na karapat dapat tayong mamuno sa pagsulong ng ating bayan.Maging masikap tayo tumutulong sa mga may katungkulan upang palaganapin ang batas.Sa pamamagitan ng pangunguna sa pagsunod sa mga patakaran.Itigil ang ipinagbabawal na gamot, bisyo at makiisa bilang mamayanan.Magkaroon tayo at disiplina at respeto sa sarili natin at sa ating kapwa magkaisa tayo na ang kapayapaan ay ating makamtan. Tayo ng mamuno at ipakita na ang “kabataan ay ang Pag asa ng Bayan”