Talumpati Tungkol Sa Kaibigan

talumpati tungkol sa kaibigan

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.

Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.

Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Narito ang isang halimbawa ng talumpati tungkol sa kaibigan:

“Kaibigan”

(Talumpati ni Steven Coral)

Kaibigan – sila ang mga karamay mo sa panahong lumulunday ka sa kalungkutan. Sila ang mga sanhi ng mga ngiti at galak ng iyong mga labi. Sila ang nagpapatahan sa puso mong lumuluha sa sakit. Sila ang kasama mo sa panahong iniwan kang nag-iisa’t nalulumbay. Sila ang mga nag-iiwan sa iyo ng mga alaalang kailanma’y hindi magiging alabok ng daigdig. Sila ang mga kaibigan kong laging nandyan at hindi ako iniwan.

Kaibigan – salita na burahin man ng panahon sa mundo ay mananatili pa ring nakaukit sa puso mo. Salita na hindi mo mauunawaan hangga’t hindi mo nararanasa’t nagagampanan. Salita na simbolo ng samahang walang katulad at kapantay. Salita na puno ng mga alaalang magpapangiti sa’yo. Isang salita ngunit sandalan mo sa panahong nanghihina ka.

Kaibigan – isang mundo na nilikha at hinubog ng pagsasamahang walang singtamis. Isang mundong pinuno ng mga alaalang hardin ng paraiso.Isang mundong nasubok ng mga sakuna ay mananatili pa ring matatag. Isang mundong kahit tanging kayo lamang ang may alam ay nananatili pa ring masaya. Isang mundong walang pinipili o pinagkukutyaan.

Kaibigan – isang kamay na kahawak mo sa paglalakbay. Isang kamay na magpapakita sa’yo ng tamang landasin. Isang kamay na handa kang hawakan maiahon ka lamang sa kasadlakan. Isang kamy na magpapadama sa’yo ng init ng pagmamahal at pag-aalaga. Isang kamay na kaagapay mo sa lungkot man o sa saya, sa galak man o sa sakit, sa pagkalugmok man o sa pagbangon.

See also  Isang Uri Ng Hayop Na Sinasabi Ng Nakakapagaling Ng May Sakit A.Matalas Na Agila B...

Kaibigan – tulad ng lahat ng bagay, may hangganan at katapusan. Tulad ng mga bulaklak na humahalina man sa huli’t nalalanta. Tulad ng bawat pangungusap sa wika, may una at huli. Tulad ng isang larawang luluma’t kukupas sa huli. Tulad ng isang buhay, may kapanganakan at kamatayan.

Kaibigan – isang bulalas ng isang samahang nauwi sa masayang alaala. Isang bulalas ng isang panambitan ng bagong pagkakataon.Isang bulalas ng alaalang nais maisabuhay muli. Isang bulalas ng mundong nauwi sa katapusan. Isang bulalas ng salitang hinapit ng kamatayan. Isang bulalas ng isang pusong namamaliw sa init ng pagmamahal at pag-aalaga.

Kaibigan –isang alaalang kailanma’y hindi kukupas. Isang alaalang patuloy na mananariwa sa bawat litid ng iyong isipan. Isang alaalang yaman mo hanggang sa katapusan. Isang alaalang walang kamatayan at katapusan.Isang alaalang magiging dahilan ng iyong kasiyahan.

Kaibigan ay isang bagay na pagkaiingatan ka’t pagkaiingatan mo. Mamahalin ka’t mamahalin mo. At sa pagsapit ng dapithapon ng mundong nilikha niyo, may alaala ka ng mga kaibigan mong minsang naging dahilan ng pagngiti mo.

(I-download ang file sa ibaba upang mabasa ang isa pang halimbawa ng talumpati tungkol sa kaibigan)

Iba pang mga talumpati:
Tungkol sa Karapatang Pantao – https://brainly.ph/question/416396
Tungkol sa Kahirapan – https://brainly.ph/question/432526
Tungkol sa Wikang Filipino – 
https://brainly.ph/question/745478