Talumpati tungkol sa korapsyon
Ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ay ang ugat ng lahat ng kasamaan. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay nagunguna sa larangan ng korapsyon.
Walang sektor sa ating lipunan ang hindi nasasangkot sa mga anomalaya tungkol sa pera at iba pang hindi kanais-nais na mga gawain.
Marami ang pinagkakakitaan ang ating pamahalaan. Sa larangan ng turismo, sa medikal na pagpapaganda, sa mga natural na yaman at maging sa pakikipagkalakarang pang-labas, malaki ang naiaambag ng mga ito sa kabang-bayan ng ating babnsa.
Ang mga buwis na lamang ay sapat na sana para makatugon sa pangangailangan ng ating mga kapos- palad na mga kababayan, ngunit sa pagiging gahaman ng mga ilan ay nauuwi ito sa kanilang pansariling kapakanan lamang.
Kung ating susuriin hindi kahirapan ang ating pangunahing suliranin sa ating lipunan. Ang ugat nito ang siyang dahilan, at ito ay ang korapsyon. Malawak at malala ang suliraning korapsyon.
Naging parte na ito ng sistema ng lahat ng sektor ng ating gobyerno. Mayroong mga matitino sa ating pamahalaan, ngunit paglabas nila sa burukrasya ay mga bubot na rin sila. Malakas at sadyang mahirap labanan ang tukso dulot ng malaking halaga ng salapi.
Masyadong maluwag ang ating batas kapag korapsyon na ang pinag-uusapan. Bakit? Kasi ang gumagawa ng batas tungkol dito ay sila din mismo ang mga pangunahing gumagawa ng katiwalian.
halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa korapsyonSa aking pananaw ay wala ng solusyon ang korapsyon, bagkus ito ay lalong lumalala. Mayroong kinikilingan ang ating batas. Kapag ordinaryong tao ang sangkot, mabilis itong umusad, ngunit kapag maimpluwensiyang tao ang sangkot, nauuwi lamang ito sa pagdismiss ng mga kaso sa kinalaunan.
Hannggang hindi mababago ang sistema ng ating pamahalaan ay habang buhay nating pasanin sa ating mga balikat ang epekto ng korupsyon sa ating bansa.
Masakit man aminin na kahit anong gawin natin na pagpupursigi ay mahirap tayong maka-angat sa buhay dahil sa uri ng bansa na ating ginagalawan, na kung saan ay iilan lamang ang pinagpapala.