Talumpati Tungkol Sa Makabayan

talumpati tungkol sa makabayan

Answer:“Itinuturo ng katwiran ang tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ng katwiran ang tayo’y maglakas na maihapag ang naghaharing kasamaan sa ating bayan.

Panahon na ngayon, dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan.

Ngayon ay panahong dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga Pilipino ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Kaya, mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan.”

— Andres Bonifacio

See also  Estilo Ng Pagkasulat Ng Akda (mensahe Ng Butil Ng Kape)​