Talumpati Tungkol Sa Pandemya ​

Talumpati tungkol sa pandemya

Isang Talumpati Tungkol sa Pandemiya

Tayong lahat ay apektado sa pandemiyang dumaan sa buhay natin. Hanggang ngayon ito ay nagpapatuloy parin. Nakita natin na marami ang nagkaroon ng pagkakasakit, bata man ito o matanda. Pero ang mas nakakalungkot ay mawalan ng mahal nsa buhay nang dahil dito sa pandemiyang ito. Biglang nag-iba ang buhay ng karamihan sa isang iglap ng ito ay pumasok sa buong mundo. Hindi natin sukat akalain na ito ay lumalala at magtatagal pa. Naging mahirap at hamon sa ating lahat ang pagkakaroon ng bagong utos hinggil sa pagsusuot ng face mask dahil hindi naman ito ang normal na ginagawa natin noon. Alam natin na ito ay malapit ng mawala at ito ang dalangin na lahat ng tao sa ngayon. Sana, sana, sana. Huwag tayong mawalan ng pag-asa, ituloy lang natin ang buhay na mayroon tayo sa kabila ng pandemiya. Sikapin na maging masunurin at mapagpasakop sa mga nasa awtoridad at laging isaisip ang kalusugan at kaligtasan. Ang pandemiya ay hindi parin natatapos, gawin ang lahat para makaiwas magkaroon ng sakit at ingatan ang buhay natin at maging ng ating pamilya. Itatak natin sa isipan at puso natin na malalabanan nating lahat ito at magiging maayos na ulit ang mundo.

Ano ang isang talumpati?

Ito ay tumutukoy sa opinyon o kaisipan ng isa na nakabuod na isinulat at pagkatapos ay bibigkasin ito sa mga manonood. Napapahayag ito sa pamamagitan ng pagsasalita sa unahan. Ang talumpati ay may layon na manghikayat ng mga tao na magkaroon ng aksyon tungkol sa isang isyu o kaya naman paksa.

See also  A Bilang Bata, Mahalagang Masuri Mo Muna Ang Mga Impormasyon. Makabubuting Maging Mapan...

Isang halimbawa ng talampati tungkol sa bakuna laban sa pandemiya: brainly.ph/question/24486755

#SPJ6