TALUMPATI TUNGKOL SA PASKO

TALUMPATI TUNGKOL SA PASKO

Magpapasko nanaman, mga bata ay kumakatok sa bawat bahay at umaawit. Humihingi ng barya pambili ng kanilang pagkain at kendi. Ano nga ba aang tunay na simbolo ng pasko? Sa ibang bata ang simbolo ng pasko ay mga aginaldo at perang papel at sa iba naman ay pagmamahalan at kaarawan ng diyos. Pareho namang tama. Sa pagsapit ng pasko ang bawat pamilya ay masayang kumakain sa hapag mula sa handa nilang Noche Buena. Ang mga bata ay kanya kanyang punta sa kanilang mga ninong at ninang upang humingi ng aginaldo. Makikitang bago pumasok ang mga bata ay kanya kanya itong mano sa kamay ng matatanda. Ngunit tatandaan na ang simbolo ng pasko ay ang diyos na siyang pinakasentro sa araw na ito.

See also  Mga Kasuotan Ng Mindanao