Tauhan sa kabanata 34 ng el fili
El Filibusterismo
Kabanata 34: Ang Kasal ni Paulita
Tauhan:
Basilio – ang binatang mag aaral na kaibigan ni Isagani. Sa
kabanatang ito ipinagtapat sa kanya ni Simoun ang
plano nitong pagpapasabog sa tahanan ni Don
Timoteo Pelaez na dating pagmamay ari ni kapitan
Tiyago.
Simoun – ang nagplano ng pagpapasabog sa kasal ni Paulita at
Juanito. Siya rin ang nagbigay ng babala kay Basilio na
wag gagawi sa tahanan ng mga Pelaez sa daang
Anloague.
Isagani – ang kasintahan ni Paulita na nabigo dahil sa
pagpapakasal ng dalaga sa mayamang si Juanito
Pelaez at labis na kinahabagan ni Basilio.
Huli – ang kasintahan ni Basilio na nasawi matapos na
pagsamantalahan ni Padre Camorra. Siya ang naalala ni
Basilio ng makita ang sitwasyon ni Isagani.
Don Timoteo Pelaez – ang bagong may ari ng tahanan ni
kapitan Tiyago. Siya ang ama ni Juanito
Pelaez at kilalang negosyante ng bayang
ng San Diego.
Juanito Pelaez – ang anak ni Don Timoteo Pelaez na
pinakasalan ni Paulita Gomez.
Paulita Gomez – ang kasintahan ni Isagani na labis niyang
tinangisan bunga ng pagpapakasal nito kay
Juanito Pelaez.
Sinong – ang kutsero ni Simoun na dumalo rin sa piging para sa
bagong kasal na sina Paulita at Juanito.
Read more on
https://brainly.ph/question/2117300
https://brainly.ph/question/1371618
https://brainly.ph/question/2128419