Tayain Natin
B.
“PAGPAPAHALAGA AT PAGMAMAHAL NG PAMILYA”
Isinilang ako sa isang nayon ng payak ang uri ng pamumuhay. Ang aming pamilya ay tahimik, nagtutulungan, at nagmamahalan. Nagbubukang-liwayway pa lamang ay gumigising na ang aking ama. Inihahanda na nito ang kagamitan sa pagtatrabaho. Si Inay naman ay walang sawang nagsisinop ng tahanan at pumapatnubay sa amin. Sa isang simpleng pamilya ko natutuhan na kailangan ang pagmamahalan at pagtutulungan ng bawat isa. Sa gayon ay lumaki kaming may pagkalinga sa kapuwa. Sa aking mga magulang ay nakita at nadama ko ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng magulang sa pamilya. Ginagawa nila ang tungkulin ng isang tunay na haligi at ilaw ng tahanan. Nagsusumikap sila upang makapag-aral kaming lahat sa gitna ng aming kahirapan sapagkat mahalaga sa kanila ang aming magandang kinabukasan na makakamit lamang sa pamamagitan ng edukasyon. Bilang mga anak, tinitiyak namin na hindi sila bigyan ng sama ng loob. Tumutulong at gumagawa kami ng gawaing-bahay upang makagaab sa gawain ni Nanay. Sa aking karanasan sa aming pamilya, masasabi kong masuwerte ako sa pagkakaroon ng magulang na tulad nila. Naniniwala akong walang magulang na magnanais na mapasama ang anak, bagkus ay hangad panga nila na maipagkaloob ang lahat na makabubuti sa pamilya. Walang hinihintay na kabayaran ang magulang sa pagganap nila ng kanilang mga tungkulin. Alam ko na sapat na sa kanila ang makatapos kami ng pag-aaral, maging matapat, masunurin, mapagmahal sa kapuwa, matulungin, at higit sa lahat may takot sa Diyos at may matibay na pananampalataya sa Kaniya.
TANONG:
1. (Answer is already done.)
2. Paano inilarawan sa kwento ang pagkakaisa sa kanyang pamilya?
3. Paano niya ipinakita at ng kaniyang pamilya ang pagsasakatuparan ng misyon ng pamilya sa pagbibigay edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
Pahelp pi please need ko lg now na nonsense=reported
Answer:
2. NAIPAKITA NILA ITO SA PAPAMAGITAN NG PAGGAWA NG KANI KANILANG TUNGKULIN SA ARAW ARAW
3. NAGTUTULUNGAN SILA SA LAHAT NG KAILANGAN NILANG GAWIN AT GAMPANAN KASABAY NITO PINAPAKITA NILA ANG PAGMAMAHAL SA BAWAT ISA.