Tula Tungkol Sa Pag Ibig Sa Bayan May Tugma At Sukat Dalawang Saknong Apat Na…

tula tungkol sa pag ibig sa bayan

may tugma at sukat

dalawang saknong

apat na taludtod

thanks!

Answer:

Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa!

Tula ni Avon Adarna

Sa hitik na yaman nitong kalikasan,

Hindi magugutom, hindi magkukulang,

Pilipinas na Ina ng mamamayan,

Kumakandili nga sa buting kandungan.

Ang mga dagat at kailaliman,

Saganang pagkai’t mga pangisdaan,

Ang lalim na tubig na asul sa kulay,

Ay siyang panlinis sa lupang katawan.

Ang mga gubat na hitik sa bunga,

Ipantawid-gutom sa kalam ng bituka,

At pati hayop sa dulong kabila,

Nabubusog din at nagpapakasawa!

Ang mga lupa sa luntiang bukid,

Ay pakikinabangan kapag pinilit,

Magtanim lamang ng palay o mais,

At tiyak na kakain sa oras ng gipit!

Mahalin ang bayan saan man pumunta,

Ipagtanggol nga sa dayuhang bansa,

Ibiging mabuti at maging malaya,

Upang manatili ang Inang dakila!

Ang tula ay alay sa mahal na bansa,

Pagkat ako’y kanyang inaaruga,

Itong Pilipinas na bayan ko’t ina,

Mamahalin ko saan man pumunta!

Explanation:

pa brainliest po 🙂

See also  Kahulugan Ng Serpyente