Tungkol Saan Ang Mitolohiyang Ang "hukuman Ni Mariang Sinukuan"

tungkol saan ang mitolohiyang ang “hukuman ni mariang sinukuan”

Answer:

HUKUMAN NI MARIANG SINUKUAN

Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan ay isang Kwentong Bayang nagpapaliwanag ng mga bagay-bagay tungkol sa mga hayop at insekto. Partikular, kung bakit hindi nangangagat ang lalaking Lamok, ito’y pahuni-huning umaali-aligid lamang sa tenga ng tao. Kung bakit laging dala ni Pagong ang kanyang bahay; kung bakit nasa itaas ng puno ang pugad ng ibong Martines; kung bakit kumukokak ang palaka; kung bakit may dalang ilaw ang alitaptap sa gabi; at kung bakit dumadamba ang Kabayo.

Dahil ang mga tauhan ay hayop, ang kwento’y maaaring ibilang sa genre ng pabula dahil ginamitan ng iskrip, ng dayalogo ito’y naging isang maikling dula.

See also  Tumutukoy Sa Bilang Ng Pantig Sa Bawat Taludtod Ng Saknong Ng Tula