Tungkul saan ang anti violence against women act
Answer:
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children ay panukalang batas na ipinasa ng Kongreso noong Pebrero, 2004. Nilalayon ng batas na ito na tugunan ang laganap na pang-aabuso sa kababaihan ng kanilang mga intimate partners, kabilang ang dati o kasalukuyang asawa, live-in partner o boyfriend o girlfriend. Sa maraming pagkakataon, nadadamay din ang mga anak ng babae sa pang-aabuso kung kaya’t ito rin ay kasamang tinutugunan ng batas. Ang Anti-VAWC Act o ang Republic Act 9262 ay pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Marso, 2004.