ano ang mga suliranin sa pagsasaka pangingisda at paggugubat?
Ilan sa mga pangunahing ikinabubuhay ng mga tao lalo na sa mga rural areas ay ang pagsasaka, pangingisda at paggugubat. Ilan lang ang mga ito sa mga pinakamahalagang pangkabuhayan na nakakatulong sa mga mamamayan sapagkat dito kinukuha ang ilan sa ating mga pangunahing pangangailangan, gaya ng pagkain.
Ilan sa aking nakikitang mga suliranin ay ang mga sumusunod:
Pagsasaka: 1. Pagliit ng lupang sakahan.
Alam naman nating dumadami ang populasyon ng ating basa na nagiging dahilan ng pagliit ng lupang sakahan. Halimbawa nalang, ang lugar ng Cavite na dati ay halos marami ang lupang sakahan, ngayon ay nagiging isa sa mga pinakamalaking construction na ng mga villages and subdivisions.
2. Pagtangkilik at pagdagsa ng dayuhang kalakal.
Nahihirapan ang ating mga magsasaka sa kompetisyon ng presyo lalo na ng bigas dahil sa mga dayuhang kalakal na pumapasok sa bansa.
3. Paggamit ng teknolohiya.
Ang paggamit ng teknolohiya ay sadyang nakatutulong sa pagpapabilis ng production para sa mga magsasaka. Kung kaya’t malaki ang naitulong nito sa pagpapataas ng supply. May ilang negatibong epekto lamang ito sa ilang magsasaka, lalo na sa mga magsasakang nagtatrabaho lamang sa mga lupang sakahan na gumagamit ng makabagong teknolohiya ay maaring mawalan ng ikabubuhay.
Pangingisda: 1. Operasyon ng malalaking komersyal na pangingisda na nakakasira sa karagatan.
Ilan sa mga suliranin ay ang paggamit ng malalaking barko sa pangingisda na nakakasira sa ating likas na yamang pangdagat lalo na ng mga korals na tirahan ng mga isda.
2. Lumalawak na suliranin sa polusyon.
Alam nating isa sa mga problema ng bansa ay ang hindi mapigilang polusyon na nakakasira sa ating kagubatan at nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga isda.
3. Paggamit ng ipinagbabawal na proseso ng pangingisda.
Isa sa mga ipinagbabawal ay ang paggamit ng mga kemikal na makakasira sa ating karagatan, isa na dito ang paggamit ng dinamita.
Paggugubat: 1. Malawakang paggamit ng ating kagubatan.
Dahil sa tumataas na dami ng populasyon, tumataas din ang demand ng mga hilaw na materyales, kung kaya’t kinakailangan ang mabilis na pagkuha ng mga likas na yaman ng kagubatan. Dahilan ito upang madaling maubos at magkulang ang supply para sa mamamayan.
2. Pagkakaroon ng baha at landslide.
Ang mabilis na pagkaubos ng mga puno at likas na yaman ng kagubatan ay nagdudulot din ng malaking pinsala sa ilan sa mga lugar. Ang mga yamang gubat ay nakakatulong upang hindi bumaha at magkaroon ng landslide.