Gawain 3 Panuto: Magsaliksik Ng Mga Halimbawa Ng Abstrak Hinggil Sa Agh…

Gawain 3 Panuto: Magsaliksik ng mga halimbawa ng abstrak hinggil sa agham, humanidades, o pangangalakal. Tukuyin ang nilalaman ng abstrak ayon sa:
a. Pamagat
b. Layunin
c. Pokus
d. Metodolohiyang ginamit
e. Resulta
f. Konklusyon at implikasyon​

Answer:

HALIMBAWANG ABSTRAK:

KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON

ABSTRAK

         Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

________

See also  Maikling Talumpati Tungkol Sa Pangarap Na Nais Makamit Para Sa Aking Pamilya At Bansa...

PAGTUTUKOY:

A. PAMAGAT: Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa Ika-apat na Taon

B. LAYUNIN: Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo.

C. POKUS: Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija.

D. METODOLOHIYANG GINAMIT: Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos.

E. RESULTA: Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu.

F. KONKLUSYON AT IMPLIKASYON: Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

___

CARRYONLEARNING 2021