Halimbawa Ng Solicitation Letter Tagalog Para Sa Basketball

Halimbawa ng solicitation letter tagalog para sa basketball

Kilala ang mga Pilipino na mahilig maglaro ng Basketball. Hindi ito mawawala bilang isang palaro sa mga barangay, ito ay tinatawag na Liga kung saan maaaring sumali ang mga kalalakihan upang lumaro. Bilang isang manlalaro, kinakailangang may magkakatulad na uniporme ang bawat miyembro ng grupo upang basihan ng pagkakakilanlan nito. Dahil sa magastos ang pagpapagawa ng uniporme na tinatawag rin na jersey, madalas humingi ng tulong pinansyal ang bawat grupo. Narito ang isa sa halimbawa ng sulat na nanghihingi ng tulong pinansyal o solicitation letter:  

(petsa)


Mga residente ng barangay

(pangalan ng barangay na nais hingan ng tulong pinansyal)

(bayan o lungsod)


Mahal naming mga Ka-barangay,  


Magandang araw po sa inyong lahat! Bilang nalalapit na po ang taunang liga na ginaganap sa palaruan ng ating munisipyo, inaanyayahan po namin kayong manood upang magpakita ng suporta sa aming grupo bilang mga kalahok na nagrerepresinta sa ating barangay. Kaugnay po nito, nanais din po sana namin humingi ng kaunting tulong pinansyal upang makadagdag sa ponde na gagamitin po naming mga manlalaro. Ang pinansyal na aming malilikom ay gagamitin namin upang ipagpagawa ng uniporme, pamasahe papunta sa lugar na pagdarausan ng patimpalak. Ang sosobra naman po ay gagamitin upang pangkain ng mga manlalaro. Sinisuguro po namin na gagamitin ang mga salaping malilingap sa purong kabutihan na kaugnay lamang sa gaganapin liga.  


Lubos po kaming nagpapahatid ng pasasalamat.  


Lubos na gumagalang,  


(pangalan ng grupo – gayundin ang mga miyembro nito)

#BetterWithBrainly

Pambansang palaro sa Pilipinas:

https://brainly.ph/question/1631640

Historya ng basketball:

https://brainly.ph/question/209060

https://brainly.ph/question/2389196

See also  Bakit Itinuring Mahalaga G Bahagi Ng Sainaunang Panitikan Pilipino Ang Mga Kwentong Bayan...