materyal at di materyal na kultura
Explanation:
Materyal na Kultura
- Ang materyal na kultura ng isang lipunan ay tumutukoy sa mga kultura o kaugalian na may kinalaman sa pagkain, kasuotan, bagay at mga iba pang likha ng tao na nakikita o nahahawakan.
Halimbawa ng mga Materyal na Kultura:
- Paghahanda ng mga ibat-ibang pagkain tuwing pista
- Pagsusuot ng mga barong at saya
- Pagbibigay ng mga regalo at pera sa mga ikinasal
- Di Materyal na Kultura
- Ang mga di materyal na kultura ay tumutukoy sa mga kultura o kaugalian na may kinalaman sa paniniwala, tradisyon o nakagawian na walang kinalaman sa materyal na bagay.
Halimbawa ng mga Di Materyal na Kultura:
- Pagmamano sa mga matatanda
- Paggamit ng po at opo sa mga nakakatanda
- Pagdarasal bago kumain
- Magiliw na pagtanggap sa mga bisita
#HopeItHelps