Talambuhay Ni Jose Rizal​

talambuhay ni jose rizal​

Answer:

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.

Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885.

Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.

Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.

See also  Tungkol Saan O Kanino Ang Lakbay Sanaysay

Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.

Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.

See also  Mga Halimbawa Ng Kahinaan ​

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.

Siya ay nagkaroon ng 9 na kasintahan. Pero ang kanyang minahal ng lubos ay si Leonor Rivera. Subalit sa huli ay minahal niya si Josephine Bracken.

1. Segunda Katigbak

2. Leonor Valenzuela

3. Leonor Rivera

4. Consuelo Ortega y Rey

5. O-Sei-San

6. Gertrude Beckett

7. Suzanne Jacoby

8. Adelene Bousteds

9. Josephine Bracken

11 na magkakapatid sila Dr. Jose Rizal.Narito ang taon at kapanganakan at kamatayan nila:

SATURNINA RIZAL (1850-1913)

PACIANO RIZAL (1851-1930)

NARCISA RIZAL (1852-1939)  

OLYMPIA RIZAL (1855-1887)

LUCIA RIZAL (1857-1919)

MARIA RIZAL (1859-1945)

JOSE RIZAL (1861-1896)

CONCEPCION RIZAL (1862-1865)

JOSEFA RIZAL (1865-1945)

TRINIDAD RIZAL (1868-1951)

SOLEDAD RIZAL (1870-1929)

SATURNINA RIZAL (1850-1913)

Explanation:

pa thank

Talambuhay Ni Jose Rizal​

talambuhay rizal

Rizal talambuhay. Maikling talambuhay ni jose rizal. Rizal talambuhay pdfslide

Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

rizal talambuhay

Ang talambuhay ni dr. jose p. rizal. Talambuhay ni jose rizal. Talambuhay silang gabriela tagalog rizal monologue

Ang Talambuhay Ni Dr. Jose Rizal

rizal talambuhay silang gabriela tagalog kasabihan monologue accomplishments

Talambuhay rizal. Ang talambuhay ni dr. jose p. rizal. Talambuhay ni jose rizal

Bayaning Marangal: Talambuhay ni Jose P. Rizal

rizal philippines filibusterismo talambuhay buod bayaning larawan tagalog marangal bayani ninuno yaman bukas pamana 114th laguna exalts dying freedom panahon

Talambuhay ni dr. jose rizal. Talambuhay ni dr. jose rizal. Filipino 9 talambuhay ni dr. jose rizal

ANG TALAMBUHAY NI DR. JOSE RIZAL | 10 MGA BAGAY NA HINDI MO ALAM KAY DR

rizal talambuhay jose kay ang mga bagay hindi

Filipino 9 talambuhay ni dr. jose rizal. Talambuhay rizal maikling bionote tagalog. Ang talambuhay ni dr. jose rizal

♣El Filibusterismo♣ - Talambuhay ni Dr. Jose Rizal☻ - Wattpad

rizal jose filibusterismo talambuhay struggle historicalfiction elfili

Filipino 9 talambuhay ni dr. jose rizal. Maikling kwento ng buhay ni jose rizal images. Rizal jose filibusterismo talambuhay struggle historicalfiction elfili

See also  Yung Maayos Po Hindi Kinuha Sa Brainly Dahil Mali Po Ang Sagot Kong Ang Asnswer Niyo Ay...